^

Metro

3 bangkay na natagpuan sa van, biktima ng hijack

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala na ng pulisya ang bangkay na tatlong lalaki  na natagpuan sa loob ng isang van sa lungsod ng Taguig noong Sabado ng umaga at hinihinalang biktima ng insidente ng hijacking.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Chief Supt. Henry S. Ranola Jr., district director ng Southern Police District  (SPD), kinilala ang mga biktima na sina Fremar Dumo, 39, isang truck driver, taga Mexico, Pampanga; Junifer Garcia, 37 at Crisanto Tangalin, 35, kapwa pahinante  at parehong taga-Bauang, La Union.

Kinilala ang mga biktima ng kanilang mga kaanak at nakalagak  sa Loreto Funeral Service.

Base sa imbestigas-yon ng Taguig City Police, mina­maneho ni Dumo ang isang truck na may plakang 013606, na ang nakabit na trailer dito ay model 2009 na ang plaka naman   013603 at kasama nito ang dalawang truck helper na sina Garcia at Tangalin.

Umalis sila ng Santa Rosa, Laguna noong Pebre­ro 4 ng taong kasalukuyan upang kunin ang may 2,950 pirasong steel metal bars sa Cathay Pacific Steel Corpo­ration (CAPASCO) na mata-tagpuan sa Barangay Na-pindan, Taguig City.

Ayon sa may-ari na si Lourdes Abenoja, dumating ang naturang truck ng alas-12:00 ng tanghali (Pebrero 4) sa CAPASCO at ikinarga ang naturang materyales hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para iwasan ang truck ban, nanatili ang naturang truck na may mga lamang materyales sa compound ng CAPASCO hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Pebrero 5 at kailangang umalis ang truck dahil idi-deliver ang mga materyales sa San Pablo Everest Construction Supply sa San Pablo, Laguna.

Alas-10:00 ng umaga (Pebrero 5), tinatawagan sa cellphone ni Abenoja ang mga biktima, subalit hindi na makontak ang mga ito.

Dahilan upang magtungo si Abenoja sa Police Community Precint (PCP) 5, Taguig City Police at i-report ang insidente.

Noong Sabado (Pebrero 6), alas-8:00 ng umaga, na­tag­puan ang mga bangkay ng tatlong biktima, na nakatali ang mga kamay at mga paa, nakabalot ang mga ulo ng damit, patung-patong ang mga itong nakabalot sa loob ng isang kulay puting L-300 van na may plakang AEV-484 habang nakapara ito sa Purok 6, Barangay Napin­dan, Taguig City.

Isa mga teyorya ng pu­lisya, posibleng biktima ng insidente ng  hijacking. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Taguig City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with