^

Metro

Ama todas sa anak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 47-anyos na lalaki makaraang mapaslang ang kanyang ama na hinampas niya  ng kahoy sa ulo matapos ang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakaditine ngayon sa  Navotas City Police Deten­tion Center ang suspek na si Ildefonso Roldan, ng Pes­cador Street, Brgy. Bangkulasi, ng naturang lungsod.

Naisugod naman sa Ton­do Medical Center ang 72-anyos niyang ama na si Rogelio Sr. ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa salaysay sa pulisya ng saksing si Rogelio Rol­dan Jr., naabutan niyang nagtatalo ang ama at ka-patid sa hindi pa mabatid  na dahilan sa loob ng kanilang bahay dakong alas-9 ng gabi.

Nakita niya na nakadampot ng kahoy si Ildefonso at hinampas sa ulo ang ama. 

Naagaw naman umano ng matanda ang kahoy at nahampas naman sa katawan si Ildefonso.

Dito na pumagitna at   uma­wat si Rogelio Jr. ngunit bumagsak sila sa kanilang pagpapambuno ng kapatid at mabagsakan ang ama na nawalan ng malay.

Mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center ng magkapatid ang ama ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 4 at naaresto si Ildefonso na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with