^

Metro

Bus nagliyab sa EDSA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumikha ng takot, pangamba at masikip na daloy ng trapiko ang pagkakasunog ng isang provincial bus na bumibiyahe sa EDSA, Ortigas, Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Batay sa ulat ng Mandaluyong police, pa­sado alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang pagliyab ng bus sa northbound lane ng EDSA, malapit sa Ortigas Station ng Metro Rail Transit (MRT-3). Galing ng Matnog, Sorsogon ang Elavil Tours Phils. Inc. na may plate number na EVS-659, at patungo na sana sa terminal sa Cubao, Quezon City, nang mapansin ng isang pasahero na umuusok ang bus sanhi upang itigil na ito ng driver na si Joseph Bermeo.

Masuwerteng nakababa na ang lahat ng mga pasahero bago tuluyang lumaki ang apoy at tuluyang magliyab ang nasa-bing bus.

Hinala ni Bermeo na electrical wiring ang dahilan ng pagliyab ng bus.

Naideklarang under control ang nasunog na bus dakong alas-5:14 ng madaling araw.
Hindi naman naiwasang maging dahilan ito ng maagang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar dahil hindi ito kaagad naialis sa EDSA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with