^

Metro

Umawat sa away, kritikal sa tarak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng kanyang tiyuhin makaraang umawat ang biktima sa away ng suspek at asawa nito, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center ngunit inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa peligro sa buhay ang biktimang si Alfredo Tio, 30-, bodegero, at residente ng DM Compound, Brgy. 73, ng naturang lungsod.

Nadakip naman ng mga tauhan ng Police Community Precinct 2 ang suspek na si Marcos Tio, 49, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, na-gising sa pagkakatulog ang biktima dakong alas-12:30 ng madaling araw dahil sa mainitang pagtatalo ng tiyu­hin na si Marcos at asawa nito sa loob ng kanilang bahay.

Nang pumagitna at umawat si Alfredo, dito lalong nag-init ang ulo ng suspek na nagbunot ng patalim at sinaksak ang biktima sa baba, kaliwang bahagi ng dibdib,  at sa kaliwang braso.

Habang nagaganap ang pagtatalo, tumawag naman sa pulisya ang saksing si Ernie Aguilar kaya mabilis na nakaresponde ang mga tauhan ng PCP 2  at nadakip ang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with