^

Metro

‘Ginang na kalaguyo’ wanted sa pamamaslang sa contractor

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaghahanap ngayon ng Malabon City Police ang isang ginang na itinuturo ngayon na utak sa pagpatay sa isang contractor na naging karelasyon umano nito, kama­kailan sa loob ng isang video­ke bar sa naturang lungsod.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng isang Pauleen Maantos,  sa pamamaslang kay Hernani Saluna, 55, contractor/ foreman, ng No. 650-28 JM Templora St., Brgy. Santulan, Mala­bon, makaraang ituro ng misis ng biktima na si Susan Soliveres-Saluna na siyang utak sa pamamaslang.

Sa record ng pulisya, umi­inom ng alak sa loob ng 1950s Bistro Bar sa may Alley II, Templora St., Brgy. Santulan, si Saluna kasama ang kaibigang si Mario Bautista, 55, nitong Enero 30 dakong alas-11 ng gabi nang lapitan ng gunman na nakasuot ng itim na jacket at helmet saka pinagbabaril ang biktima ng malapitan sa mukha gamit ang isang kalibre .45 baril. Sugatan naman si Bautista nang tamaan ng ligaw na bala.

Sa affidavit naman ni Gng. Saluna, itinuturo nito si Ma­antos na dati umanong kalaguyo ng kanyang mister.  Nagkalabuan  ito na humantong sa paghihiwalay. Sinampahan pa umano ni Gng. Saluna  ang biktima ng kasong swindling sa Malabon Metropilitan Trial Court si Maantos na nagsampa naman ng kasong oral defamation kay Gng. Saluna dahil  sa binitiwang mga salita sa kanyang mga menor-de-edad na mga anak.

Dagdag pa ni Gng. Sa­lu­na na pinagbantaan ni Maantos ang kanyang mister  ng  “Pag hiniwalayan mo ako ipapapatay kita, isang bala ka lang.” Ito ay bago maganap ang pamamaslang sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with