^

Metro

Artist lumundag sa NAPOCOR tower, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang freelance artist nang magtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan makaraang lumundag mula sa tuktok ng Tower ng Napocor sa Quezon City kamakalawa.

Nadala pa sa Quezon City General Hospital si  Jason Gabriel Sto. Domingo, 26, binata subalit namatay din matapos ang  halos isang oras.

Ayon kay PO2 Julius Raz, ng QCPD-CIDU nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Napocor Tower na matatagpuan sa kahabaan ng Vargas compound Ensurance Extension  Brgy. Sangandaan sa lungsod,  ganap na alas 8:15 ng gabi.

Alas-3:30 ng hapon nang ipaalam ni Anocito Tokanaga kay Elysandra Jane kapatid ng biktima  ang pag-akyat nito na tuktok ng kanilang bahay sa 41 R. Divident St., at nagpalipat-lipat sa bubungan ng kanilang kapitbahay.

Agad na nagtungo si Elysandra Jane kasama ang tropa ng Police Station 3 at mga rescue team ng QC Department of Public Safety Office sa lugar at kinausap ang biktima na bumaba sa tower pero nabigo ang mga ito.

Ilang sandali ay bigla na lang tumalon ang biktima mula sa tuktok ng tower saka lumanding sa simento na naging san­hi para magtamo ito ng matin­ding pinsala sa kanyang katawan.

Binigyan ng first aid ang biktima bago itinakbo sa ospital subalit idineklara din itong patay ng mga sumu-ring doktor makalipas ang alas-9 ng gabi.

Sa cursory examination lumabas na ang biktima ay nagtamo ng cervical fracture, head contusion at hematoma.

Samantala, patay din si Gerry Panggoy ng 128-Kasiyahan St., Brgy. Holy Spirit makaraang aksidenteng makuryente at mahulog sa punong kahoy habang siya ay namumutol nito sa Quezon City, iniulat kahapon.

Ayon kay PO3 Roldan Cornejo idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Panggoy matapos ang pangyayari sa no. 8-Don Edilberto St. Enrique Heights Subdivision, ganap na alas- 11 ng umaga.

Ayon sa isang Rodolfo Mendoza may-ari ng lupa, kasama ng biktima ang lolo nito at boluntaryo umanong namutol ng sanga ng puno.

Kasama rin ang mga tauhan ng Barangay Engineering Office sa pangu-nguna ni Ruel Merjudio na tumulong sa pagputol sa puno. Kaya naman habang isinasagawa ito ay bigla na lang nila nakita ang biktima na walang malay na nakasabit sa isang sangga ng punong kahoy at kasunod nito ay tuluyan bumagsak sa lupa.

Base sa cursory exa­mination nagtamo ng pagkakasunog sa kanyang kaliwang paa at kanang braso kung saan maaring nahawakan nito ang kable ng kuryente at nakuryente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with