^

Metro

‘Tulak’ ng droga itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang pedicab driver na umano’y ‘tulak’ ng droga matapos barilin sa ulo ng hindi kilalang salarin kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead on the spot si Ronaldo Calingal, 48, taga C. Perez St., Barangay Tonsuya ng naturang lungsod, na nagtamo ng tama ng bala ng  kalibre .45 baril sa ulo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, ng Malabon City Police, naganap ang insidente alas-10:05 ng gabi sa panulukan ng Delos Santos at Dulong Roque Sts., Barangay Tonsuya.

Kasalukuyang pinapasada ng biktima ang kanyang pedicab ng bigla na lamang itong harangin at barilin ng isang lalaki, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

“Tulak” ng  droga, sumisira sa kabataan, salot sa mamamayan. Huwag tularan sa mga susunod, magsilayas kayo: Golay Patrick and Gerome Galvez brothers”, ito ang mga katagang nakasulat sa nakuhang bond paper mula sa biktima.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with