^

Metro

18-anyos estudyante nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay na nang madiskubre ng kaniyang guardian ang isang 2nd year college student ng Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) na sinasabing may problema sa pag-ibig na nakitang nakabigti sa loob ng kaniyang silid sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Anthony John Moreno,18, kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) sa EARIST at residente ng RS Cristobal St., Sampaloc. Nabatid na ulila na si Moreno at kinakali­nga ni Wilfredo Gabriel, researcher sa isang kumpanya.

Sinabi ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, na ang mismong guardian na si Gabriel ang nakakita dakong alas-11:25 ng gabi sa biktima na nakabitin gamit ang kawad ng kuryente sa loob ng silid nito.

Hiniling ni Gabriel na huwag nang imbestigahan pa ang kaso dahil naniniwala silang walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Posible umanong ang problema sa pag-ibig ang nagtulak sa pagpapatiwakal ng binata.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with