^

Metro

Dahil sa videoke Lalaki kinatay ng 3 mag-aama

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang kumitil ng buhay ang nakahiligang videoke, matapos na isang binata ang pinagtulungang paslangin ng tatlong mag-aama na nagalit dahil sa ginawang pag-off ng una sa videoke habang nagkakasayahan ang mga huli sa birthday party ng isa sa mga una sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Base sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD) nakilala ang biktima na si Bryan Linde, 27 ng 137 Pantranco compound, Himlayan Road, Ba­­rangay Pasong Tamo sa na­banggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, nadakip si Reynante Riota, 21, habang pinaghahanap ang ama nitong si Miguel at ka­patid na si Roberto.

Lumilitaw na nangyari ang insidente sa kahabaan ng Pantranco compound, Him­layan Road ng natu­rang barangay, ganap na alas-6:30 ng gabi.

Sa salaysay ng testigong si Charlie Mangudlay­ kasalukuyan siyang naki­kipag kuwentuhan sa mga bisita sa birthday party ni Reynante sa nasabing lugar nang duma­ting ang biktima at biglang pinatay ang videoke­.

Sa puntong ito, nagalit ang suspect na si Miguel at nilapitan ang biktima saka kinompronta dahilan para mauwi ito sa mainitang pag­tatalo. Dito ay tinulungan nina Reynante at Roberto ang  ama.

Tinangka namang awatin ni Mangudlay ang mag­-aama pero bigla umanong nagbunot ng patalim si Miguel at inundayan ng sak­sak sa dibdib ang biktima.

Dagdag ni Mangudlay, sa kabila ng naranasan ng biktima, hindi pa rin nakuntento ang tatlo at pinagtulungan pa nilang pagbubugbugin ito bago  duguang bumuwal sa simento.

Matapos nito, nagpasya si Miguel na tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa krimen, kasunod ang dalawang anak, pero mabilis na nakaresponde ang mga barangay tanod sa lugar at nadakip si Reynante.

Ang biktima ay naisugod pa ng kanyang nanay na si Antonia sa Quezon City General Hospital pero idineklara din itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRYAN LINDE

CHARLIE MANGUDLAY

HIMLAYAN ROAD

MANGUDLAY

MIGUEL

PANTRANCO

PASONG TAMO

REYNANTE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with