^

Metro

Tambay binurdahan ng saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang tambay matapos burdahan ng saksak ng ‘di pa tukoy na salarin sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang sa alyas na “Dexter Sunog” ang biktimang tinatayang nasa 18-20 taong gulang, umano’y nakatira sa gate 46, Area-B, Parola Compound, Tondo.

Sa inisyal na ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:45 ng gabi nang makita na lamang ang biktima na tumatakbong duguan sa Juan Luna St., patungong C.M. Recto Avenue sa tapat ng Fiesta Shopping Plaza.

Isang vendor ang nakapansin sa pagkabuwal ng biktima at humandusay na sa kalye.

Nabatid na tadtad ng saksak ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Inilagak na sa St. Ivan Funeral Homes morgue ang bangkay habang wala pang kaanak ang nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Inaalam na kung sino ang responsable sa pamamaslang at motibo.

vuukle comment

ANG

AREA-B

BINONDO

DEXTER SUNOG

FIESTA SHOPPING PLAZA

JUAN LUNA ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA COMPOUND

RECTO AVENUE

RICHARD ESCARLAN

ST. IVAN FUNERAL HOMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with