^

Metro

Mister pinagtripan ng siga

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mister ang pinag-tripang patayin sa saksak ng isang binatang siga-siga sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital si Alfredo Tuazon “alias Freddie”, 34, taga Mahogany St., Barangay 145, Zone 16, Santo Niño ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng dalawang saksak sa dibdib.

Nakakulong naman sa Pasay City Police ang suspek na si Angelo Bamuya “alias Ling-Leng, 36, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang, residente ng #2972 Int.42 Taft Ave., Barangay 145, Zone-16 nabanggit na lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Pasay Police Chief, P/Sr. Supt. Joel B. Doria, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa Mahogany St., Barangay 145, Zone 16, Santo Niño.

Nabatid na siga-siga sa Pasay ang naturang suspek at dito niya namataan ang naglalakad na biktima at walang sabi-sabing sinaksak.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima habang ang suspect ay na-dakip ng rumespondeng mga pulis.

 

vuukle comment

ALFREDO TUAZON

ANG

ANGELO BAMUYA

ATILDE

JOEL B

MAHOGANY ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY POLICE CHIEF

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SANTO NI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with