^

Metro

Kilabot na holdaper tinodas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang kilabot na holdaper at gumagamit ng droga matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si Alvin Orate “alias Am-bing”, 22, ng 7th St., Brgy. Katuparan ng naturang lungsod matapos na magtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa sila ng isang follow-up hinggil sa insidente.

Sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Felix Arthur Asis, hepe ng Taguig City Police, naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa Block 1, Sitio Pusawan, Brgy. Ususan ng naturang lungsod.

Habang nakatayo ang biktima sa naturang lugar ay biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at walang salitang pinagbabaril si Orate na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis namang tumakas ang suspek at sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nabatid na ang biktima ay isa umanong kilabot na holdaper at gu-ma­gamit ng droga.

Iniimbestigahan na ng pulisya, kung may kinalaman sa iligal na gawain ng biktima ang naganap na pagpaslang dito.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN ORATE

ANG

BLANKO

BRGY

FELIX ARTHUR ASIS

HABANG

POLICE SR. SUPT

SITIO PUSAWAN

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with