^

Metro

Mister binistay ng bala

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 50-anyos na mister matapos pagbabarilin ng kalugar na umano’y matagal na nitong kaalitan habang ang biktima ay naglalakad sa Navotas City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng hindi mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Danilo Mendoza, ng Block 36, Lot 84, Tumana, Barangay North Bay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Tinutugis na ang suspek na nakilalang si Mark Len Villanueva “alias Mac-Mac”, 27,  ng Phase 2, Area 2 ng nasabing barangay.

Sa ulat na natanggap ni Police Sr. Supt. Dante Pesa Novicio, hepe ng Navotas City Police, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.

Naglalakad ang biktima ng mapansin nito ang suspek na bigla na lamang naglabas ng baril at walang sabi-sa-bing pinutukan si Mendoza.

Sa labis na takot ay tumakbo ang biktima papunta sa kanilang bahay upang ilig­tas ang sarili subalit, hinabol pa rin ito ng suspek at barilin.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

DANILO MENDOZA

DANTE PESA NOVICIO

MAC-MAC

MARK LEN VILLANUEVA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

POLICE SR. SUPT

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with