^

Metro

Tindahan package, ipinamahagi ni Vice Mayor Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Personal nang naipamahagi ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang tindahan package sa may 200 kapuspalad na mga single parent sa lungsod upang ma­gamit nilang panimula para sa kanilang pamumuhay.

“Pagyamanin ninyo ang munting tindahan na naibigay ko sa inyo, gamitin ninyo itong panimula ng pagkakakitaan na maaaring mapagkunan ng pang-araw-araw na gastusin sa inyong mga tahanan “, pahayag ni Belmonte sa mga benepisyaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy Project Part 3’.

Ang Tindahan package ay kinabibilangan ng sakong bigas, mga grocery items at iba pa. Ang mga benepisyaryo ng proyektong ito ay sumailalim muna sa matinding screening ng Office of the Vice Mayor at inter­view bago naisama dito.

Ang bahagi ng puhunan ng mga single parent ‘Tinda­han ni Ate Joy Project’ ay mula sa mga benepis­yaryo ng ‘Tindahan ni Ate Joy Part 1 at Part 2’ na nakalikom ng mahigit P100,000 sa nakalipas na isang taon mula sa kanilang kinita.

Bago ito, pinangunahan din ni Vice Mayor Belmonte ang paglagda sa isang memorandum of understanding sa pagitan ni Genaro Bautista, Presidente ng Rotary Club of New Manila, QC at Raymond Velayo, Presi­dente ng Arnis Philippines na layong mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga barangay tanod sa lungsod sa pa­ngangalaga sa peace and order.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG TINDAHAN

ARNIS PHILIPPINES

ATE JOY PART

ATE JOY PROJECT

ATE JOY PROJECT PART

GENARO BAUTISTA

MGA

OFFICE OF THE VICE MAYOR

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with