^

Metro

Grabcar driver at operator, binigyan ng ultimatum ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyan ng ultimatum ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang Grabcar operator at driver nito na sumipot sa itinakdang ikalawang public hearing ng ahensiya sa December 9, 2015 kaugnay ng reklamo ng isang pasahero laban sa naturang driver.

Ito ay dahil na rin sa hindi sinipot  kahapon ng umaga ng inirereklamong Grabcar taxi driver na si Alfie Paloma at re­presentative ng Teresita Transport Inc. ng Marulas Valen­zuela ang LTFRB public hearing hinggil sa reklamo ng pasaherong si Jonathan Barcelon.

Sa reklamo ni Barcelon, habang sakay siya sa Grabcar taxi na may plakang UVG 290 na minamaneho ni Paloma ay pinaharurot ng huli ang sasak­yan saka dinala siya sa madi­lim na lugar saka pinababa sa sasakyan. Gamit umano ni Paloma ang isang tubo na tinangka ipalo sa kanya   matapos silang mag-away sa traffic. Doon ay pinagbayad pa rin siya ng P300.00 pa­sahe kahit hindi naihatid sa destinasyon.

Kaugnay nito, inatasan na­­­man ni Atty. Ariel Inton, tuma­yong Chair ng LTFRB board hearing, si Atty. Jerome Leynes, abogado ng Grabcar company na magsumite ng kanilang pahayag kaugnay ng insidente sa loob ng 15 araw.

Sa hearing, sinabi ni Atty Leynes na kahapon din ay agad nilang sinuspinde ang membership ng naturang taxi unit makaraang malaman ang reklamo laban sa isa nilang mi­yembro.

Pinag-aaralan din anya ng LTFRB kung ipagbabawal ang pagdadala ng tubo ng mga driver dahil sa paggamit dito palagian ng mga driver kapag ito ay nabuburyong sa pagmamaneho. Magugunitang isang Uber Taxi operator-driver ay nakansela na ng LTFRB ang operasyon kamakailan matapos na akmang tutubuhin ang pasaherong stewardess nang maburyong sa paghahanap sa destinasyon na pupuntahan ng biktima sa Pasig City.

vuukle comment

ACIRC

ALFIE PALOMA

ANG

ARIEL INTON

ATTY LEYNES

GRABCAR

JEROME LEYNES

JONATHAN BARCELON

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

MARULAS VALEN

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with