^

Metro

11-anyos todas sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 11-anyos na lalaki nang tamaan ng ligaw na bala sa katawan sa na-ganap na pamamaril sa tapat ng bahay ng biktima sa  Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Manila Central University Hospital ang bik­timang si Stephen Yeoj Padilla, estud­yante, at residente ng 5 Milagrosa Street, Brgy. 152 Bagong Barrio, ng naturang lung­­sod.

Nakatakas naman ang suspek dala ang ginamit na baril na nakilala lamang sa alyas Dante.

Sa ulat, naglalaro sa tapat ng kanyang bahay ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi nang dumating ang suspek kasama ang isa pang lalaki at biglang pinagbabaril ang isang grupo ng lalaki na kinabibilangan ng isang Kenneth Gonzales.

Tinamaan ng bala sa balikat si Gonzales ngunit napuruhan ng bala ang batang si Padilla na tinamaan at tumagos ang bala sa katawan. Agad na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman si Padilla ng ama nito sa MCU Hospital ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN CITY

GONZALES

KENNETH GONZALES

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MILAGROSA STREET

PADILLA

STEPHEN YEOJ PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with