^

Metro

Magtiyo, pinagtataga ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa kritikal ang isang 6-taong gulang na batang lalaki at tiyuhin nito nang biglang pagtatagain ng kanilang kapit­bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Isinugod sa Dr. Jose Rodriguez Hospital ang mga biktimang sina Roberto Jomuad, Jr., 30, ng Brgy. 178 Camarin, at ang pamangkin nito na si Ace Stanley. Arestado naman at nahaharap ngayon sa mga kasong double frustrated homicide at child abuse ang 58-anyos na si Eduardo Baculo, kapitbahay ng mga biktima. Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, naganap ang krimen dakong alas-11:45 ng gabi sa tapat ng bahay ng magtiyo.

Nabatid na kinukumpuni ni Jomuad ang kanyang motorsiklo habang nanonood naman ang batang pamangkin nang bigla silang atakihin ng suspek. Unang tinaga ng suspek si Jomuad, tinamaan rin ng taga ang batang si Stanley sa ulo at kanang kamay. Nang duguang bumagsak ang mga biktima, kaswal lamang umanong naglakad palayo ang suspek habang isinugod ng mga kaanak ang mga biktima sa pagamutan. Naaresto naman si Baculo ng mga rumespondeng tauhan ng Police Community Precinct 5 sa harap ng bahay nito ngunit hindi na narekober ang bolo na ginamit sa krimen.

vuukle comment

ACE STANLEY

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DR. JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

EDUARDO BACULO

JOMUAD

MGA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROBERTO JOMUAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with