^

Metro

Tinawag na ‘Andres de saya’, pumatay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 23-anyos na lalaki nang tarakan sa leeg ng security guard  na tinawag ng una na ‘Andres de saya’ sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang si Reymalon Azuelo, 23. Tinutugis naman ng Delpan Police Community Precint (PCP), ang suspek na si Patrick dela Paz, 25, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa report dakong alas-2:30 ng madaling araw  ng maganap ang insidente.  Nabatid na bagong dating lamang umano ang biktima sa inuman at niyaya siya hanggang sa napatagay na. Hindi pa nagtatagal ay dumating naman ang misis ni dela Paz at pinauuwi na ito na naririnig ng mga kainuman kaya kina­tiyawan siya na ‘under’.

Napahiya ang suspek at dahil nakainom na ay hindi na nagdalawang-isip na kunin ang nakasukbit na patalim sa beywang at mabilis na sinaksak sa leeg ang biktima at nagmadaling lumayo.

Pinaghahanap na ang suspek para sa kasong ihaharap laban sa kaniya.

vuukle comment

ACIRC

ANDRES

ANG

AYON

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINT

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

NABATID

NAPAHIYA

PAZ

REYMALON AZUELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with