^

Metro

Kolorum na, pasahero inaagaw pa trike driver sinamurai ng kapwa tsuper

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kolorum na ay nang-aagaw pa ng pasahero kung kaya’t isang tricycle driver ang pinagtataga ng samurai ng kanyang kapwa tsuper, kahapon ng umaga sa Makati City.

Nasa kritikal na kondis­yon at halos maputol ang kaliwang braso habang ginagamot sa Saint Luke’s Hospital, Bonifacio Global City ang biktimang si Julius Jose, 26, ng  Antipolo St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Erick Canlas, 34, ng nabanggit na barangay.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO2 Rico Caramat, ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente alas-8:30 kahapon ng umaga sa Jervoice St., Brgy. Pinagkaisahan ng naturang siyudad.

Bago ang insidente, nabatid na legal na namamasada ang suspek sa naturang lugar, samantalang ang biktima naman ay kolorum na nakikipag-agawan pa sa pasahero. 

 Dahil dito,  nagalit  ang suspek at kinagabihan ay kinompronta ang  biktima na humantong pa sa pag-aaway kaya sila dinala sa barangay.

Subalit, kinaumagahan muling namataan ng suspect ang biktima na namamasada kung kaya kinuha nito ang dalang samurai at pinagtataga ang huli saka mabilis na tumakas.

vuukle comment

ANG

ANTIPOLO ST.

BONIFACIO GLOBAL CITY

BRGY

DAHIL

ERICK CANLAS

GUADALUPE NUEVO

HOMICIDE SECTION

JERVOICE ST.

JULIUS JOSE

MAKATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with