Mga biktima ng serial robber-rapist hinikayat lumantad
MANILA, Philippines – Hinikayat kahapon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang iba pang mga biktima ng naarestong serial robber rapist sa Metro Manila na lumantad at sampahan ng kaso ang suspect.
Ayon kay PNP-CIDG Director P/ Chief Victor Deona, ito’y upang mapanagot sa batas at mapagtibay pa ang kaso laban sa suspect na si Shabbir Valdez Ponferrada .
Sa imbestigasyon, lumilitaw na ang modus operandi ni Ponferrada ay ang mangarnap ng taxi na ginagamit nito sa robbery/holdup kung saan ginagahasa pa ang mga naku-kursunadahang pasahero.
Ayon sa opisyal, nasa 12 ang inisyal na biktima ng suspek sa aktibidades nito simula noong 2014.
Nabatid pa sa opisyal na ang 22 -anyos na suspect ay sangkot sa serye ng carnapping, robbery at rape sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Makati, San Juan at Quezon.
Samantalang lumilitaw pa sa imbestigasyon na karamihan ng kasong kinasangkutan ng suspek ay naganap sa kahabaan ng EDSA.
“To those who may have been victimized by the suspect over the past months, or in the past year, may contact CIDG Hotline at 722-8983 or the CIDG Director’s Monitoring Center at 0919-815-0479 or 0905-355-7829”, ang sabi pa ng opisyal.
- Latest