^

Metro

Kelot iniwan sa inuman, dedo sa resbak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dedo ang isang lalaki makaraang pagtulungang saksakin ng mag-ama na rumesbak sa isang grupo­ ng mga lasenggero, kama­ka­­lawa ng gabi sa Malabon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City Me­dical Center ang 40-anyos na si Rodrigo Pring, resi­dente ng Sapa, Brgy. Pang­hulo­, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang mga nakatakas na suspek na sina Sonny Boy Cinco­, tindero at anak niyang si Chokoy JM Cinco, 23, at isang alyas Ogie, pawang mga residente rin ng natu­rang lugar.

Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang isang grupo ng lalaki kabilang si Pring sa naturang lugar dakong alas-9:30 ng gabi nang mapadaan si Chokoy. Isa sa kainuman ni Pring ang humarang kay Chokoy at sinapak ito.

Agad namang nagsumbong sa ama si Chokoy at rumesbak sa grupo ng nag-iinuman kasama si Ogie. Tanging si Pring la­mang­ ang inabutan ng mga suspek na tinarakan ng patalim sa dibdib saka tumakas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CHOKOY

MALABON CITY

OGIE

PRING

RODRIGO PRING

SHY

SONNY BOY CINCO

VALENZUELA CITY ME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with