^

Metro

Rider na parak, pisak sa trak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang bagitong pulis matapos itong masalpok ng isang pampasaherong jeep hanggang sa tumilapon at magulungan naman ng isang paparating na mixer truck habang­ ang una ay nagmomotorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Dead on the spot ang biktimang si PO1 Rodjie Son Mojica­, 27, ng Road 7, Brgy. North Daang Hari ng naturang lungsod sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. Samantala, nasa custody naman ng pulisya ang driver ng concrete mixer na si Rogie Jimenez, 42, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Pinaghahanap naman ang bumundol ditong driver ng jeep na agad na tumakas.

Ayon sa pagsisiyasat ni PO2 Vicente R. Antonio, ng Taguig City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-2:35 ng hapon sa South bound lane ng East Service Road, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod.

Nabatid na sakay ang  biktima ng kanyang Yamaha motorcycle, na for registration habang nakabuntot ito sa isang pampasaherong jeep na hindi naplakahan.

Pinilit umano ng motorsiklo na mag-over-take sa jeep dahilan para ito mahagip kung saan tumilapon ang biktima.

Saktong paparating naman ang mixer ni Jimenez kaya ito nagulungan.

Samantala, ang driver naman ng jeep ay mabilis na tumakas, samantalang si Jimenez ay dinakip ng pulisya at naka-impound ang minamaneho nitong mixer truck sa Taguig City Traffic Bureau.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

EAST SERVICE ROAD

JIMENEZ

NORTH DAANG HARI

RODJIE SON MOJICA

ROGIE JIMENEZ

SAMANTALA

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY TRAFFIC BUREAU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with