^

Metro

Mag-asawa niratrat sa loob ng kanilang bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tadtad ng tama ng bala sa katawan at patay na nang matagpuan ang isang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawi na sina Roberto Cuyo, 35, at asawang si Rosabel Cuyo, 30. Nadiskubre ang bangkay ng mga ito ng kanilang kapitbahay, ilang oras matapos na uma­lingawngaw ang mga putok ng baril mula sa kanilang bahay, ayon kay SPO4 Cris Zaldarriaga, may-hawak ng kaso.

Alas-7 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa Manungdo Compound, Lansones St., Brgy. Payatas B, sa lungsod.

Sabi ng isang Mary Jane Cabildo, kapitbahay ng biktima, bago ang insidente, ganap na alas-12:30 ng madaling araw ay nagising umano siya sa sunud-sunod na mga putok­ ng baril mula sa labas ng kanyang bahay, kinabukasan na natuklasan ang bangkay ng mag-asawa na duguang nakahandusay sa kama.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene narekober sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril, isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu, dalawang walang lamang plastic sachet, dalawang piraso ng water pipe (tooter) na may liquid­ residue, piraso ng aluminum foil at dalawang piraso ng medicine droppers. Habang sa cursory examination naman sa bangkay ng dalawa ay nagtamo ang mga ito ng multiple gunshots wounds sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa ilega­l na droga ang naganap na krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

CRIS ZALDARRIAGA

LANSONES ST.

MANUNGDO COMPOUND

MARY JANE CABILDO

PAYATAS B

ROBERTO CUYO

ROSABEL CUYO

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with