^

Metro

15-anyos na holdaper, utas sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang menor de edad na holdaper nang mabaril ng mga rumespondeng pulis ng Manila Police District (MPD) matapos mangholdap, habang nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Bala sa mukha ang tinamo ng biktimang itinago sa pa­ngalang Totoy, 15, out-of-school youth, residente ng Building­ 24,  Unit 3, Temporary Housing, Aroma Compound, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa isang bahay na pinagtaguan ng mga suspek sa Bldg. 24 Temporary Housing, Aroma Compound, Tondo.

Bago ito, ala-1:45 ng hapon nang magtungo sa nabanggit na PCP ang isang Marlo Rossel, 20, truck helper na hinoldap ng grupo ni Totoy sa bahagi ng Pier 18, sa Road 10.

Matapos umano ang panghoholdap ay bumuntot si Rossel­ at inalam kung saan magtutungo ang mga nangholdap sa kanya. Nakita nitong pumasok sa building 24 ang mga suspect kaya inireport niya sa pulisya.

Nang magtungo ang pulisya sa nasabing lugar ay namataan ng mga pulis si Totoy, na itinuro ni Rossel.

Nang makahalata ay nagtatakbo umano si Totoy pa­pasok­ sa Bldg 24 na nauwi sa habulan.

Habang papasok ay nakita din ng mga pulis na naka­abang na ang nakatutok na sumpak na hawak ni Totoy kaya siya inunahan na nila.

Nakatalon umano mula sa bubungan at nakatakas ang dalawa pa nitong kasamahan na tinutugis pa ng mga awtoridad.

vuukle comment

ACIRC

ALONZO LAYUGAN

ANG

AROMA COMPOUND

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLO ROSSEL

MAYNILA

MGA

TEMPORARY HOUSING

TOTOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with