^

Metro

Sa Caloocan at Navotas 2 ginang itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang ginang ang kapwa nasawi  nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas City.

Sa ulat na ipinadala sa Northern Police District, nakilala ang mga nasawi na sina Eugenia Liwag, alyas Jenny, 48, balo, ng Marulas-B, Brgy. 36, Caloocan City, at si Rosemarie Apog, Jr., 53, ng Block 32 Lot 8 Phase 1A, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, natutulog na sa loob ng kan­yang bahay dakong alas-3:40 kahapon ng umaga si Liwag nang pasukin ng mga hindi nakilalang salarin at agad na barilin ito sa mukha sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa pagsusuri ng NPD- Scene of the Crime Operatives (SOCO), natagpuan sa loob ng bahay ang ilang drug paraphernalia kaya tinututukan ngayon ang pagkakasangkot ng biktima sa operas­yon ng iligal na droga.

Dakong alas-11:30 naman kamakalawa ng gabi nang barilin ng tatlong hindi nakilalang salarin si Apog nang kumprontahin ito sa kanto ng Bakoko at Alumahan Street, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas.

Isinugod pa sa Tondo Medical Center si Apog ngunit nalagutan rin ng hininga dakong ala-1:45 ng madaling araw. Patuloy ang imbestigasyon sa naturang krimen.

 

vuukle comment

ACIRC

ALUMAHAN STREET

APOG

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EUGENIA LIWAG

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

NORTHERN POLICE DISTRICT

ROSEMARIE APOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with