^

Metro

Ginang ginilitan ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ginang makaraang gilitan sa leeg ng kanyang umano’y kapitbahay, kamakalawa ng tanghali sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Mary Ann Calisaan, 35, residente ng Dulong Tangke Street, Malinta, ng naturang lungsod.

Agad namang nadakip ang suspek na si Melton Dela Cruz, 38, tricycle driver. Nahaharap ito ngayon sa kasong murder.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ni Calisaan na duguang nakahiga sa sofa ng sala ng siyam na taong gulang na pamangkin nito.

Nadakip sa follow-up operation ng Police Community Precinct 4 si Dela Cruz dakong alas- 3 ng hapon nang makipagkita ito sa mga kaanak sa may simbahan ng San Diego de Alcala sa Brgy. Poblacion 1, Brgy. Polo, ng naturang lungsod.

Nakuha sa crime scene ang patalim na ginamit sa krimen at isang Teddy bear na stuffed toy sa ibabaw ng bangkay ng biktima. Nakuha rin ang kamiseta ng suspek na may bahid ng dugo na kasamang isasailalim sa DNA cross matching.

Nabatid naman na nagtamo ang biktima ng tatlong mahabang sugat sa leeg at mga pasa sa magkabilang braso.

vuukle comment

ALCALA

ANG

BRGY

DELA CRUZ

DULONG TANGKE STREET

MARY ANN CALISAAN

MELTON DELA CRUZ

NAKUHA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN DIEGO

VALENZUELA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with