^

Metro

70% puwersa ng NCRPO cops ikakalat sa Metro

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitompung porsiyento ng mga tauhan mula sa kabuuang bilang na 19,000 puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) kabilang na ang mga may ranggong PO1’s ang idedeploy sa  mga matataong lugar sa Metro Manila kaugnay ng pi­nalakas na kampanya kontra kriminalidad.

Ayon kay NCRPO director/Chief Supt. Joel Pagdilao, ang deployment ng karagdagan pang libong mga pulis sa Metro Manila ay ibubuhos nila sa susunod na linggo ngayong buwan.

Ayon kay Pagdilao, dahil sa deployment ng 70% ng mga pulis sa mga lansangan at mga matataong lugar sa Metro Manila ay inaasahang bababa ang mga insidente ng kriminalidad taliwas sa pagtaas nito tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Sinabi ni Pagdilao na ang pagpapalabas ng mga pulis mula sa mga himpilan upang ipakalat sa mga lansangan ay alinsunod sa direktiba ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ricardo Marquez upang palakasin pa ang kampanya laban sa kriminalidad sa pamamagitan ng pinaigting na police visi­bility.

Sa kasalukuyan, nasa 60% na sa kabuuang puwersa ng NCRPO ang nakadeploy sa mga lansangan  at 10 % pa ang kanilang ibubuhos sa susunod na linggo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

JOEL PAGDILAO

METRO MANILA

MGA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with