^

Metro

Driver ng rent-a-car, pinagbabaril, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang isang driver ng rent a car business makaraang pagbabarilin ng hindi natukoy na salarin habang ang una ay sakay ng minamaneho nitong kotse sa Brgy. South Triangle, lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Mike Lumogdang, 33, ng New Zañega, Mandaluyong City.

Ayon sa imbestigasyon, wala namang magtukoy sa pagkakakilanlan ng salarin na mabilis na nawala sa lugar matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Louie Serbito, may-hawak ng kaso, lumalabas na ang biktima ay driver ng Town and Country Rent a Car at nakatakdang sunduin ang kanyang kliyenteng sina Liza Ortiz at Antonio Ortiz sa lugar nang maganap ang insidente.

Nangyari ang krimen sa may harap ng Leann’s Tea House (Korean restaurant) na matatagpuan sa Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, ganap na alas- 6:30 ng umaga. Ayon sa ulat  naghihintay ang biktima sa kanyang mga kliyente sa nasabing lugar nang  biglang lumapit ang isang suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima, saka mabilis na tumakas.

Base sa cursory examination sa bangkay ng biktima luma­labas na ito ay nagtamo ng tama ng bala sa mukha at ulo. Narekober naman sa crime scene ang anim na piraso ng basyo ng bala ng kalibre 40 at isang tingga ng hindi mabatid na kalibre ng baril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

ANG

ANTONIO ORTIZ

AYON

BRGY

LIZA ORTIZ

LOUIE SERBITO

MANDALUYONG CITY

MIKE LUMOGDANG

MOTHER IGNACIA ST.

NEW ZA

SOUTH TRIANGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with