^

Metro

Pasahero tumalon mula 3rd floor ng NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 25-anyos na lalaking pasahero ang tumalon sa ikatlong palapag ng departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 matapos itong hindi pasakayin ng eroplanong papuntang Davao ng airline.

Sa naantalang ulat, kinilala ang pasahero na si Samuel Ambato, isang seaman, na pupunta sa Davao, at  sasakay dapat ng eroplano­ ng AirAsia pero hindi pinayagan dahil sa di umano’y ‘questionable behavior’.

Ayon sa ulat, napansin ng mga taga-check-in counter ng Air Asia na masayang-masaya si Amberto habang papalapit ito sa airline counter pero bigla itong tumatawa ng malakas at nagulat ang mga nakakita dito ng bigla naman nag-iiyak kaya pinalalagay ng airline na may problema ang pasahero kaya hindi ito pinasakay ng eroplano.

Sa puntong ito biglang tumakbo ng mabilis si Ambato at tumalon sa 3rd floor ng gusali at bumagsak ito sa curbside malapit sa arrival bus station area.

Sabi sa ulat, nagtamo ng sugat sa ulo at bali ang paa ng biktima.

Samantala, mabilis na dinala si Amberto sa Pasay City General Hospital para malapatan ng kaukulang lunas.

vuukle comment

ACIRC

AIR ASIA

AMBATO

AMBERTO

AYON

DAVAO

ISANG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SABI

SAMUEL AMBATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with