^

Metro

2 Japanese natakbuhan ng maleta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang Japanese national na katatapak pa lamang sa lupa ng bansa ang nabiktima ng sinakyang  taxi driver na nagtatakbo ng bagahe, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa reklamo na inihain kay PO3 Jay Jacob ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ng mga biktimang sina Kawashina Yuki, 29  at Shingo Kumagawa, 28, kapwa tubong  Konagawa, Japan, dalawang backpack ang naitakbo ng di naplakahang taxi dakong ala 1:30 ng madaling-araw kahapon sa tapat ng Sogo Hotel, sa Malate.

Mula umano sa pagdating nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sinakyan nila ang nasabing taxi at nagpahatid sa Sogo Hotel.

Nang bumaba umano sila ay mabilis na pinasibad ng taxi driver ang sasakyan kaya hindi na nila nakuha ang iba pang mga dala-dalahan kabilang ang dalawang malalaking bag.

Kabilang sa mahalagang gamit na natangay ang Galaxy Note Edge, Canon ca-mera at iba’t ibang lenses bukod sa mga personal na gamit.

vuukle comment

ANG

DALAWANG JAPANESE

GALAXY NOTE EDGE

JAY JACOB

KABILANG

KAWASHINA YUKI

KONAGAWA

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHINGO KUMAGAWA

SOGO HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with