^

Metro

Amok sa Valenzuela: 2 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang manggagawa ng isang handicraft factory habang isa ang nasa kritikal na kondisyon nang pagtatagain ng kanilang nag-amok na kasamahan na nagpatiwakal rin kalaunan, kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nasawi sa mga taga sa katawan ang 26-anyos na si Zaldy Bruqueza, habang nagtamo ng taga sa likod si Albert Balquin, 23, na isinugod sa Valenzuela City Medical Center.

Namatay rin ang suspek na si Michael Pagdagdagan, 23, tubong Guinobatan, Albay, nang umano’y gilitan nito ang sariling leeg. Nabatid na pawang mga stay-in ang suspek at mga biktima sa loob ng Hubog Craft sa may J. Santiago St. Libo, Barangay Malanday.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang gisingin si Pagdagdagan ng kanyang pinsan na si Romualdo Pagdagdagan upang maghanda na sa trabaho.

Dito niya nakita ang suspek na kinuha ang bolo na gamit sa pagsibak ng kahoy at saka pinagtataga si Bruqueza na natutulog sa loob ng kanilang barracks. Pinagbalingan rin nito si Balquin na nagawang makatakbo sa kabila ng natamong sugat sa likuran.

Agad namang nagtatakbo palayo ang suspek matapos ang pananaga. Isang oras makaraan ang krimen, natagpuan si Pagdagdagan na wala nang buhay sa isang bakanteng lote sa J. Santiago Street dahil sa gilit ng patalim sa leeg.

Hindi naman mabatid ni Romualdo ang dahilan ng pagwawala at pananaga ng kanyang pinsan.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insi-dente habang inaalam rin kung sadyang nagpatiwakal ang suspek na si Pagdagdagan.  

 

vuukle comment

ALBERT BALQUIN

ANG

BARANGAY MALANDAY

HUBOG CRAFT

MICHAEL PAGDAGDAGAN

PAGDAGDAGAN

ROMUALDO PAGDAGDAGAN

SANTIAGO ST. LIBO

SANTIAGO STREET

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with