^

Metro

Driver bulagta sa nakasagutang pedestrian

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta sa kalsada ang isang tsuper matapos itong barilin ng hindi pa kilalang pedestrian na kamun-tik na niyang masagasaan, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Binawian ng buhay ha­bang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC) ang biktimang si Jerick Cadangan, 36, taga Sampaguita St., Katipunan Village, Taguig City, sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .22 baril.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Dominador Robles, ng Homicide Section, Ma­kati City Police, naganap ang insidente sa harapan ng Waltermart, sa kahabaan
ng Pasong Tamo, Brgy. Pio Del Pilar ng naturang lungsod.

Napag-alaman na papatawid ang suspect nang muntik na nitong masagasaan ng isang nasawi na minamaneho ang isang pampasaherong jeep.

Dahilan upang magalit ang suspek hanggang sa nagtalo ang dalawa. Sa kainitan nang pagtatalo, binunot ng suspek ang kanyang baril at pinutukan nito ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima naman ay isinugod sa nabanggit na pagamutan ng ilang taong naroroon, suba­lit binawian din ito ng buhay kamakalawa ng gabi.

Sa ngayon ay inaalam ng pulisya kung nakuhanan ng CCTV camera ang insi-dente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
                                           

vuukle comment

ACIRC

ANG

CITY POLICE

DOMINADOR ROBLES

HOMICIDE SECTION

JERICK CADANGAN

KATIPUNAN VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

NBSP

PASONG TAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with