^

Metro

Kumidnap sa mag-asawang Chinese: Habambuhay hatol sa 7 miyembro ng kidnap group

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinatulan kahapon ng Quezon City court ng ha­bambuhay na pagkabilanggo ang pitong miyembro ng ‘Waray-waray kidnap for ransom group’ matapos ma­patunayang nagkasala sa kasong kidnapping for ransom  sa mag-asawang Chinese 18 taon na ang nakakaraan.

Sa inilabas na desis-yon ni QC-RTC branch 98 Judge Marilou Runes-Tamang, bukod sa habambuhay na pagkakulong, sa mga  akusadong sina Roger Ete,Teofilo Arlanzon, Crisanto Dollete, Augustin Quinala, Mario Isederio, Cipriano Cornista at Diosdado Tandagan ay pinagbabayad din ang mga ito sa kabuuang halagang P700,000 bilang moral, indemnity at exemplary damage sa mga biktimang sina Virgilio Chua at asawang Cristina Chua at kasambahay na si Annalyn Simbajon.

Si Esperanza Falcon na kasabwat sa naturang kaso ay nahatulan din ng korte na makulong ng 12 taon,  samantalang ang akusado pang  sina Teofilo Asis at  Benhur Anastacio ay hindi na kasama sa hinatulan dahil namatay na ang mga ito bago maipalabas ang sentensiya ng korte .

Sa rekord ng korte, ang tatlong biktima ay dinukot ng naturang grupo noong April 8,1997. Kinabukasan ay napalaya rin ang mga ito, makaraang magbayad ng P400,000 ransom . Orihinal na  halagang P50 mil­yon  ang hinihinging ran­som ng mga akusado sa mga biktima na kalaunan ay pumayag na ang mga akusado sa P400.000.

Makaraang makalaya ang mga biktima ay agad namang nagsagawa ng manhunt operation laban sa mga ito ang PNP Task Force Dragon na ikinaaresto ng mga akusado.

Kaugnay nito, nagpalabas din si Judge Tamang ng warrant of arrest sa iba pang akusado na pa­tu­loy na nakalalaya na sina  Conrado Camiller, Michael Camiller, Alton Camiller, Adong  Camil-ler, Olan Inalis, Elvira Dio­la, Alyas Pablo, Alyas Val, Alyas King, Alyas Jun  Jun at alyas Mozo o Monsour.

vuukle comment

ACIRC

ALTON CAMILLER

ALYAS JUN

ALYAS KING

ALYAS PABLO

ALYAS VAL

ANG

ANNALYN SIMBAJON

AUGUSTIN QUINALA

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with