^

Metro

MRT, 2 beses nagka-aberya!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang beses nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT-3) kahapon ng umaga na siyang dahilan ng muling pagkainis ng libu-libong pasahero nito makaraang ma-late sa kanilang appointment at pinapa­sukang trabaho.

Nabatid na dapat sana ay alas-4:00 palang ng umaga ay bukas na at nagsisimula na ang unang biyahe ng MRT, pero hindi ito nangyari dahil hindi kaagad natapos ang ginawang pagkukumpuni sa naputol na riles ng tren.

Bunsod ng nangyari kaya alas-5:00 na ng umaga nagsimula ang unang biyahe ng tren na siyang dahilan kung kaya naipon sa mga istasyon ang maraming bilang ng pasahero.

Dakong alas-6:00 ng umaga­ ay muling tumirik ang biyahe ng mga tren maka­raang pumalya ang signalling system ng MRT kung saan ay nagtagal na naman ng 30 minuto ang tigil biyahe.

Walang magawa ang maraming pasahero kundi bumaba­ ng istasyon ng MRT at maghanap ng alternatibong masasakyan sa EDSA makarating lamang sa kanilang destinasyon.

Muling humihingi ng pa­umanhin sa publiko si MRT General Manager Roman Buenafe dahil sa dalawang beses na aberyang nangyari.

Una nang sinabi ni Buenafe na sa loob ng anim na buwan ng panunungkulan niya bilang GM ay hindi pa bumiyahe nang normal ang mga tren ng MRT na labis niyang ikinalulungkot.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUENAFE

BUNSOD

DAKONG

DALAWANG

GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE

METRO RAIL TRANSIT

MRT

NABATID

WALANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with