^

Metro

Mag-asawa patay sa sunog

Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mag-asawang matanda ang na­matay sa anim na minutong sunog sa kanilang bahay sa Marikina City, kahapon.

Natagpuan ang katawan ng mag-asawa na kinilalang sina Sebastian Librando, 74, at misis na si Evangeline, 73, sa silid ng kanilang bahay na matatagpuan sa Block 27, Ampalaya St., Bgry. Tumana ng lungsod na namatay sa suffocation.

Ayon sa imbestigasyon na ang matandang lalaki ay nakahiga na sa kama dahil sa taglay nitong karamdaman maging ang misis nito ay may sakit din at hirap na rin kumilos.

Sinabi ni Senior Superintendent Felixberto Abrenica, 4th District Fire Marshall na ang mag-asawa ay mahimbing na natutulog nang magsimula ang sunog sa kanilang silid pasado ala-1:03 ng madaling-araw.

Mabilis naman nakaresponde ang mga bumbero sa lugar, subalit hindi sila maka­pasok sa bahay dahil nakakandado ang loob at ang itaas ay napapalibutan ng mga grills.

Tanging ang bahay lang ng mag-asawa ang nasunog na tumagal lang ng anim na minuto.

Umaabot sa P10,000 ang naging danyos ng sunog at patuloy ang imbestigasyon ng dahilan ng sunog.

vuukle comment

ACIRC

AMPALAYA ST.

ANG

AYON

BGRY

DISTRICT FIRE MARSHALL

EVANGELINE

ISANG

MARIKINA CITY

SEBASTIAN LIBRANDO

SENIOR SUPERINTENDENT FELIXBERTO ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with