^

Metro

Nasermunan ng guro, 10-anyos nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang grade-3 pupil ang nagpakamatay sa pama­magitan nang pagbibigti matapos umanong sermunan ng kanyang guro, kamaka­lawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead-on-arrival sa Alabang Medical Hospital si Rico Roda, 10-anyos, ng  Phase 3, Block 45, Lot 51, Southville, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod­.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior. Supt. Allan­ Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, alas-6:20 ng gabi nang umuwi ang biktima sa kanilang bahay at naabutan nito ang kanyang nakakatandang kapatid na si Rosemarie at ang boyfriend nitong si Maren. Ikinuwento ng nasawi sa kanyang ate   at sa boyfriend nito, na pinagalitan siya ng kanyang teacher, gayunman hindi binanggit kung bakit.

Makalipas ang ilang mi­nuto, napansin ni Rosemarie na kinakalas ng kanyang kapatid ang hawakan ng school bag nito at pinaglalaruan.

Ilang minuto pa ang naka­kalipas, dumating ang isang Andy Perez sa bahay ng pamilya Roda at isinusumbong nito kay Rosemarie na ang kapatid nitong si Rico  at ang kanyang anak ay nag-away.

Nang umalis si Perez, hinanap ni Rosemarie ang ka­patid upang tanungin sa gulong kinasasangkutan nito, subalit ang biktima ay wala sa sala at maging sa kuwarto nito. Alas-7:00 kamakalawa ng gabi, nagbakasakali si Rosemarie na magtungo sa likod ng kanilang bahay para alamin kung nandoon ang kapatid.

Dito tumambad sa kanya ang nakabigting utol na ang ginamit ay ang hawakan ng bag nito. Dali-daling kinalag ni Rosemarie ang nakatali sa leeg ng kapatid at humingi ito ng tulong sa kanyang mga  kapitbahay upang dalhin sa naturang ospital ang bata, subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Hanggang sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ALABANG MEDICAL HOSPITAL

ANDY PEREZ

ANG

KANYANG

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NITO

RICO RODA

ROSEMARIE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with