^

Metro

Rider lasog sa ‘hit and run’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang isang motorcycle rider makaraang ma-hit and run ng isang kotse, kamakalawa ng madaling araw Sa Ca­loocan City. Nakilala sa pamamagitan ng kanyang driver’s license ang biktima na si Arnel Oller, 30, residente ng Sitio Biong, Brgy. San Luis, Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang humingi ng saklolo sa Police Assistance Center-16 ang isang grupo na motorcycle riders kaugnay sa naganap na aksidente.

Agad na nirespondehan ng mga pulis ang biktima na nakahandusay sa may Quirino Highway, Brgy. 183, ng naturang lungsod, at isinugod sa Dr. Jose Rodriguez Hospital. Nalagutan ng buhay ang biktima dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, sinabi ng saksing si Wilson Mila na nakita niyang biglang tumalsik ang biktima habang binabagtas ang Qui­rino Highway sa tapat ng Midway Park Subdivision.

Sa halip na saklolohan ng nakabundol na tsuper ng kotse, agad itong tumakas patungo sa direksyon ng Bulacan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

ARNEL OLLER

BRGY

DR. JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MIDWAY PARK SUBDIVISION

POLICE ASSISTANCE CENTER

QUIRINO HIGHWAY

SA CA

SAN LUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with