^

Metro

Homeowners president, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang presidente ng isang homeowners association matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikila­lang suspek, kahapon sa Ta­guig City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Datu Abdul, 56, nakatira sa Maguindanao St. Purok 3, Brgy. New Lower Bi­cutan at Pangulo ng Lot Association sa C-6, Brgy. Na­­pindan ng naturang lung­sod sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng M-16 armalite rifle.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa ipinarating na report kahapon ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police sa tanggapan ni Police Chief Supt. Henry Ranola, district director ng Southern Police District Office (SPDO), naganap ang insidente alas-8:50 habang  nakatayo ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspek, na nakasakay sa isang motorsiklo at armado ng armalite.

Walang salitang pinaulanan ng bala ang biktima, dahilan ng agaran nitong kamatayan at ang suspek naman ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente kung saan inaalam din kung ano ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTHUR FELIX ASIS

BRGY

DATU ABDUL

HENRY RANOLA

LOT ASSOCIATION

MAGUINDANAO ST. PUROK

NEW LOWER BI

POLICE CHIEF SUPT

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with