^

Metro

Rollback uli sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nagpatupad ngayong araw na ito (Agosto 4) ng bawas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang oil companies.

Ito ang inanunsiyo kahapon ng Pilipinas Shell, kung saan ang presyo ng kanilang gas ay bumaba ng P0.40 kada litro, P0.90 sa diesel at P0.70 naman kada litro sa kerosene.

Ang bawas presyo, na pinangunahan ng Pilipinas Shell epek­tibo ala-1:00 ng madaling araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ng rollback sa presyo ng kanilang petroleum product ang iba pang oil companies na may kahalintulad na halaga.

Ayon sa Pilipinas Shell, ang bawas presyo ay bunsod nang paggalaw ng presyuhan nito sa world market.

Nabatid na huling nagpatupad ng bawas presyo ang ilang oil companies noong nakaraang Martes (Hulyo 28) ng taong kasalukuyan.

vuukle comment

ACIRC

AGOSTO

ANG

ASAHANG

AYON

BAWAS

HULYO

ITO

NABATID

PILIPINAS SHELL

PRESYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with