^

Metro

Pamilya ni Ozu ng ‘Masculados Dos’, nagpasaklolo na sa NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na kaha­pon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya ng isang miyembro ng kila­lang grupo na ‘Masculados Dos’ na na­patay sa diumano’y insidente ng carjacking  para sa agarang ikadarakip ng mga sa­larin.

Personal na dumulog  sa NBI-National Capital Region (NCR) ang kapatid ng biktimang si Ozu Ong, 30, na si Mary Ann Ong, 28 dahil wala pa umano silang nakukuhang impormas­yon kung ano ang motibo sa pagpatay sa naka­ta­tandang kapatid.

Matatandaang bandang alas-4:00 ng madaling araw  kamakalawa nang ba­rilin sa dibdib  si Ozu, ilang metro  ang layo sa Primrose Hills Subdivision, Angono.

Hindi na nakauwi pa sa kaniyang pamilya ang biktima mula sa show nito sa Tomas Morato dahil  sa gate pa lang ay pinagbabaril na ito.

Isa sa inaalam na anggulo kung sino ang kausap ng biktima sa cellphone nang ito ay marinig na nagsabing “Ano ba ang atraso ko sa’yo”. Kasama umano sa kaniyang itim na Toyota Hilux (AAO 2722) mula sa nasabing show ang isang lalaki at dalawang babae na nagpahatid muna sa  Antipolo City.”

Hindi rin maaaring ku­ning testigo ang mga sekyu ng nasabing subdivision dahil hindi naman nila nasaksihan ang pangyayari kundi nakarinig lamang ng putok ng baril at tunog ng motorsiklo.

Umaasa  si Mary Anne na walang mabigat na dahilan sa likod ng pagpaslang sa kaniyang kapatid at mas gusto pa umano niyang mala­man kung carjacking lang ang dahilan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTIPOLO CITY

MARY ANN ONG

MARY ANNE

MASCULADOS DOS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

NBSP

OZU ONG

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with