^

Metro

2 nabangga tinakbuhan, Koreano arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ngayon sa Las Piñas Police Station ang isang Korean national makaraang ituro na nakabundol at tinakasan ang dalawang tao habang tumatawid sa isang kalsada sa naturang lungsod kahapon ng umaga.

Posibleng maharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at frustrated homicide ang suspek na si Bae Sung Hun, nasa hustong gulang, ng Tahanan Village ng naturang lungsod.

Namatay sa Las Piñas Medical Center ang biktimang si Felina Melgar habang nananatiling kritikal sa Perpetual Help Medical Center ang kasama nitong si Sergio de Guzman, pawang nasa hustong gulang.

Ayon sa saksing si Babie Baculio, nakita niya nang mabundol ng isang SUV ang dalawang biktima habang tumatawid sa may Alabang-Zapote Road dakong alas-6 ng umaga.

Sandaling huminto umano ang SUV ngunit muling pinasibad ng tsuper ang sasakyan upang tumakas.

Hinabol naman ni Baculio ang SUV hanggang makarating sa may Tahanan Village kung saan ipinaalam nito ang pangyayari sa mga guwardiya na siya namang tumawag ng pulis.  Nasakote sa loob ng village ang naturang suspek.

Natagalan naman ang pagresponde ng mga rescuers sa mga biktima na umabot umano ng isang oras bago nadala ang mga ito sa naturang mga pagamutan.

Nangako naman umano ang dayuhan na sasa­gutin ang lahat ng gastos sa pagpapalibing at pagpapaospital ng mga biktima.

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ANG

ATILDE

BABIE BACULIO

BAE SUNG HUN

FELINA MELGAR

LAS PI

MEDICAL CENTER

PERPETUAL HELP MEDICAL CENTER

POLICE STATION

TAHANAN VILLAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with