Pampasaherong bus oobligahin sa GPS simula sa Setyembre
MANILA, Philippines – Oobligahin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkabit ng global positioning system (GPS) ang mga pampasaherong bus na magtatakda ng speed limit nito simula sa Setyembre.
Ayon kay LTFRB Chair Winston Ginez, nagpalabas na sila ng memorandum circular para rito.
Sa pagkakabit ng GPS mamo-monitor electronically aniya ang bilis ng mga pampasaherong bus kahit walang mga traffic enforcer.
“Sinusolusyunan natin ito sa pamamagitan po ng global positioning system, kung saan magtatakda po tayo ng speed limit sa ating mga city buses as well as city buses para kahit nga po wala ang ating mga enforcer sa ating mga daan ay namo-monitor po natin,” sabi ni Ginez.
Ayon kay Ginez, hindi ito sabay-sabay na ipatutupad at sa halip, uunahin ang mga provincial bus sa Setyembre 1 hanggang Pebrero 28 habang sa Enero 1, 2016 naman hanggang Abril 2016 isusunod ang city buses.
- Latest