^

Metro

May-ari ng bakery inatado ng helper

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang bakery owner nang tadtarin ng saksak ng kaniyang trabahador na iritado umano sa sakit ng ngipin, sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Antonio Magpantay Y Lunar, 42 anyos, negosyante, may asawa at may-ari ng Lunar Bakery na matatagpuan sa no. 1455 Maria Clara St., Sta. Cruz, Maynila.

Nasakote rin agad ang suspek na si Dante  Casuno y Antor, 22, may asawa, stay-in sa nasabing bakery at tubong Jubay, Caloban, Leyte.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 2:00 ng madaling araw sa mismong bakery na tirahan din ng biktima.

Nagtalo umano ang mag-amo dahil ayaw puma­yag ang biktima na umalis pa ng bakery ang suspek. Pilit naman umanong nagdadahilan ang suspek na bibili lamang siya ng gamot  na ayaw paniwalaan ng una at ayaw din umanong bigyan ng pambili ng gamot, base sa naging pahayag ng suspek.

Nang nauwi sa mainitang pagtatalo at nagawa umanong masaktan ng among lasing ang suspek kaya nang siya ay tangkang tatagain ng hawak na jungle bolo ay nakapa naman ng biktima ang patalim na gamit sa bakery at sunod-sunod na saksak ang inabot ng amo.

Ayon kay Balinggan, dalawang saksing tricycle driver ang humabol sa papatakas na suspek nang makitang duguan ito na tumatakbo patawid  sa direksiyon ng SM San Lazaro at inabot nila ito na nasa Elias St., dinakip at itinurn-over sa MPD-station 3, bago dinala sa Homicide Section ng MPD headquarters.

Hawak ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang patalim na ginamit sa krimen.

Ani Balinggan, walang aktuwal na saksi sa krimen at pawang pinanghahawakan nila ang circumstantial evidence para sa isasampang kasong murder laban sa suspek.

vuukle comment

ANG

ANI BALINGGAN

ANTONIO MAGPANTAY Y LUNAR

CRUZ

ELIAS ST.

HOMICIDE SECTION

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUNAR BAKERY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIA CLARA ST.

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with