^

Metro

Pinagalitan ng ina, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagbigti ang isang 47-anyos na lalaki makaraang pagalitan ng kanyang ina nang umuwing lasing ang una sa Caloocan City kamakalawa.

Bangkay na ng matagpuan si Jessie Sison, residente ng #102 2nd St., panulukan ng A. Del Mundo St., Barangay 40.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P01 Alvin Pascual, ng Caloocan City Police, alas-2:30 ng hapon nang madiskubre ng kanyang inang si Alicia ang biktima na wala ng buhay habang nakabigti ng sinturon sa loob ng kuwarto nito.

Bago ang pagpapatiwakal, napagalitan umano ng ina ang biktima nang umuwi itong lasing noong Huwebes hanggang sa magkulong ito sa loob ng kanyang kuwarto.

Nagtaka ang ina dahil hindi pa lumalabas ng kuwarto ang anak at nang katukin nito ay walang sumasagot dahilan upang humingi ito ng tulong sa anak-anakang si Jeffrey  hanggang sa sirain nila ang pinto at dito na tumambad sa kanila ang nakabigting biktima.

Nabatid na ilang beses na umanong nagtangkang magpakamatay si Jessie subalit, napipigilan lamang ito ng kanyang mga kaanak.

vuukle comment

ALICIA

ALVIN PASCUAL

ANG

BANGKAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DEL MUNDO ST.

HUWEBES

JEFFREY

JESSIE

JESSIE SISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with