^

Metro

Bebot na lider ng drug group, nalambat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga operatiba ng District Anti-Illegal Drug ng Quezon City Police ang isang ginang na lider umano ng isang grupo na nagtutulak ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust ope­­ration sa isang lugar sa lungsod, kamakalawa.

Sa ulat ni PO3 Warlito Cagurungan ng DAID-SOTG, ang suspect ay nakilalang si Wilma dela Cruz, alyas Wilma, 31, ng UP Bliss Garden, Brgy. San Vicente sa lungsod.

Ang suspect ay  lider umano ng tinaguriang “Wilma Drug Group” na ang operasyon ay sa lugar ng Brgy. Old Capitol Site, UP Village at San Vicente sa lungsod.

Nadakip ang suspect sa isinagawang buy-bust operation sa harap ng isang bahay sa Masaya St., Brgy. Old Capitol Site, ganap na alas-7:45 ng gabi.

Bago ito, ilang linggong minanmanan ng mga ope­ratiba ang suspect mata­pos makatanggap ng im­por­masyon kaugnay sa ma­lawakang operasyon nito ng iligal na droga sa naturang mga lugar.

Nang makumpirma ang nasabing tip, agad na nakipagtransaksyon ang DAID-SOTG sa suspect para sa pagbili ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P10,000.

Dito ay nagkasundo ang mga operatiba at suspect na magkita sa natu­rang lugar para sa palitan ng items kung saan naganap ang nasabing pag-aresto.

Narekober sa suspect ang isang plastic sachet ng shabu at ang bundle money na P10,000 na gina­mit sa operasyon.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLISS GARDEN

BRGY

DRUG GROUP

MASAYA ST.

OLD CAPITOL SITE

QUEZON CITY POLICE

SAN VICENTE

SHY

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with