^

Metro

Metrowide ‘shake’ drill matagumpay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ikinasa kahapon na  Metrowide earthquake/ shake drill na naglalayong mapaghandaan ang pag­galaw ng West Valley Fault na ma­aring maging sanhi ng 7.2 lindol.

Ang ipinatupad na drill ay bahagi ng direktiba at panawagan ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA), na  base na rin sa babala ng PHI­VOLCS ay posibleng uma­bot sa 33,500 katao ang maaaring masawi at 113,600 ang masusugatan sakaling tu­mama ang kinatatakutang lindol o ang tinagu­riang  “The Big One.”?    

Alas-10:30 kahapon ng umaga inumpisahan ang Metrowide shake drill kung saan sabay-sabay na tumunog  ang mga sirena, kampana ng simbahan at fire alarm bilang hudyat ng pagsasanay at natapos ito ng pasado  alas-12 ng tanghali.

Nabatid, na ang isang oras na  Metrowide Shake Drill ay ipinatupad kahapon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan,  mga establisimento, mapapampubliko at pribado sa buong Kalakhang Maynila.

Ang lahat ng local go­vernment unit (LGU), iba pang sangay ng pamahalaan, mga pribadong sektor sa Kalakhang Maynila, Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) at Philippine National (PNP) ay ka­agapay ng MMDA para sa naturang pagsasanay.

Kabilang sa Metrowide shake drill ay ang 16 na lungsod at isang bayan, tulad ng Parañaque; Makati; Pasay; Las Piñas; Taguig; Muntinlupa at Pateros.

Kasama rin  sa pagsa­sanay ang paglalagay ng apat na evacuation center, ang Intramuros Golf Course para sa kanlurang quadrant, Veterans Memorial Medical Center Golf Course sa hilaga, LRT-2 Depot sa silangan, at Villamor Airbase Golf Course sa katimugan.

Naniniwala si MMDA Chairman Francis Tolentino  at Director Renato Solidum ng PHIVOLCS na naging matagumpay ang shake drill dahil na rin sa pakikiisa ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno, pribadong sector at maging ng media.

Tumanggap din ito ng positibong reaksyon buhat sa mga ordinaryong ma­mamayan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHI

ATILDE

BIG ONE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DIRECTOR RENATO SOLIDUM

KALAKHANG MAYNILA

METROWIDE

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with