^

Metro

Bebot timbog sa shabu sa ari

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 40-anyos na bebot matapos itong makumpiskahan ng shabu na nakalagay sa kanyang ari habang dadalawin nito ang kanyang kinakasama na isang preso sa Pasay City Jail (PCJ), kamakalawa. Kinilala ni PCJ warden, Supt. Baby Noel P. Montalvo ang suspek na si Jennifer Belda, residente ng Sucat Parañaque City.

Lumalabas sa imbestigasyon,  alas-2:00 ng hapon nang du­malaw ang suspek sa live-in partner nitong  si Antonio Samson, na nasa dormitory 9 ng naturang kulungan. Bago pinayagang pumasok ng kulungan ang suspek, SOP munang kapkapan ito.

Nang kapkapan ng isang babaeng jail officer, napansin na may bumubukol sa bandang ari nito. Kung kaya’t kaagad itong sini­yasat  at nakita dito ang isang kulay berde na papel na nagla­laman ng shabu.

Kaagad kinumpiska ng mga jail officer ang naturang kontrabando, sabay na inaresto si Belda. Dahil sa insidente, pansa­mantala munang sinuspinde ng pamunuan ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) ang dalaw sa naturang kulu­ngan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTONIO SAMSON

ARESTADO

ATILDE

BABY NOEL P

BUREAU OF JAIL MA

JENNIFER BELDA

NBSP

PASAY CITY JAIL

SUCAT PARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with