^

Metro

MRT bus project ‘nilalangaw’!

Mer Layson at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – ‘Nilalangaw’ o hindi tinatangkilik ng mga pasahero ng MRT ang bus project ng LTFRB at DOTC na pinasimulan noong Lunes.

Ayon sa mga commuters na nakasubok ng sumakay sa MRT bus project, matagal ang kanilang pinaghihintay sa terminal bago sila bumiyahe dahil pinupuno muna ang bus.

Kapag bumibiyahe na ay lalo silang nagtatagal dahil sa masikip na daloy ng trapiko sa Edsa.

Bunsod nito, mariing tinututulan ang grupong National Center for Commuter Safety and Protection (NCCSP) ang nasabing proyekto at sinabing hindi mula pinag-aralan bago ito inilunsad.

Pinasimulan ang MRT bus project noong Lunes at araw-araw ng isasagawa hanggang Biyernes, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga sa apat na ruta.

Ang nasabing ruta ay ki­nabibilangan ng North Ave­nue hanggang Ayala, North Avenue hanggang Ortigas-Shaw, Quezon Avenue hanggang Ayala at Quezon Avenue hanggang Ortigas-Shaw

Diretso sa destinasyon ang mga bus na hindi pwedeng mag­sakay ng pasahero sa ibang lugar. Pareho rin ang pama­sahe na ibabayad ng mga pa­sahero ng MRT sa 40 bus na kalahok sa proyekto.

Ayon kay (NCCSP) president Elvira Medina, aasa pa rin ang mga commuter sa MRT dahil hindi naman tukoy  ng ruta ng MRT Bus ang pinangga­lingan o point of origin ng mga pasahero.

Naniniwala si Medina na makapagpasikip pa sa trapiko ang mga bus na hindi na pipiliing sakyan ng publiko. Aniya, nahihirapang magbaba ng mga pasahero ang mga regular na bus, partikular na sa bahagi ng North Avenue.

Samantala, aminado naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makakadagdag sa pagsi­sikip ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila lalu na sa EDSA ang 40 MRT bus na ipinakalat ng LTFRB at DOTC.

Subalit, nakiusap ang MMDA sa publiko lalu na sa mga ma­nanakay, na pagbigyan muna na gagawan naman aniya ng paraang masolusyunan sa­kaling may negatibong epekto ito.

Layunin ng proyekto ay  ma­ibsan ang mahahabang pila sa tren ng MRT, mula Lunes hanggang Biyernes, simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga ang biyahe ng mga MRT bus na may apat na ruta: sa North Avenue hanggang Ayala-North Avenue hanggang Ortigas-Shaw-Quezon Avenue hanggang Ayala-Quezon Avenue hanggang Ortigas-Shaw diretso sa destinasyon ang mga bus na hindi pwedeng magsakay ng pasahero sa ibang lugar.

Kung saan pareho rin ang pamasahe na ibabayad ng mga mananakay sa MRT bus.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AVENUE

BUS

HANGGANG

MGA

MRT

NBSP

NORTH AVENUE

ORTIGAS-SHAW

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with