^

Metro

Data analyst todas sa shootout ginawang human shield

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa shootout ang isang 24 anyos  data analyst ng Globe Telecommunications matapos na gamiting panangga ng  mga holdaper na nanloob sa kanilang apartment kahapon ng madaling araw sa  Sampaloc, Maynila.

Dead-on-arrival sa Mary Chiles Hospital dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jake Ryan Marayag, ng no.  17 Arenas St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa loob ng inuupahang apartment ng biktima at mga kaanak nito, dakong alas-12:00 ng mada­ling araw kahapon.

Kakuwentuhan ng biktima ang kapatid na si Sara Jean, 21 at mga kamag-anak na sina PO1 Melvin Benteras,  ng  District Safety Batallion ng San Juan Police;  Eric Kevin Rodriguez at  Gilmar Banguilan nang pasukin ng dalawang suspek ang kanilang bahay na armado ng mga baril at pinadapa silang lahat habang nakatutok ang mga baril.

Nagdeklara ng holdap at hinihingi umano ang kanilang gadgets na mga cell phone at iba pa subalit nagawang magtago sa ilalim ng dining table ni Sara Jean at si PO1 Benteras ay nakapasok sa loob ng kuwarto at mabilis na kinuha ang kaniyang service firearm.

Pinutukan ng mga suspek si Benteras na nasa kuwarto kaya gumanti umano ito ng putok at sa puntong nais nang makatakas ng mga suspek ay binitbit ang biktima at ginawang human shield.

Nang makalabas na ng pintuan ang mga suspek ay binitawan na ang biktima at pinagbabaril muna bago tuluyang iniwan.

Sumakay sa nakaparadang motorsiklo ang isa habang ang isa ay nagtatakbo lamang papalayo.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya  si PO1 Benteras dahil ito ang nakabarilan umano ng nakatakas na mga suspek.

Patuloy pang inaalam ang pagkilanlan ng mga suspek at aalamin din sa awtopsiya kung kaninong bala ang tumama sa biktima bukod sa pamamaril ng mga suspek.

vuukle comment

ANG

ARENAS ST.

BENTERAS

DISTRICT SAFETY BATALLION

ERIC KEVIN RODRIGUEZ

GILMAR BANGUILAN

GLOBE TELECOMMUNICATIONS

JAKE RYAN MARAYAG

MGA

NBSP

SARA JEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with