^

Metro

Iniwan ng ka-live-in, sinuspinde sa trabaho, helper nagbigti

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang madis­kubre ang isang 35-anyos na helper na nakaluhod habang nakabigti  sa loob ng kaniyang bahay, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Pinaniniwalaang ang mga problema bunga ng pagka-suspendi sa trabaho at ang pag-iwan ng live-in partner ang dahilan nang pagpapakamatay ni Rey Kilmare, ng Leyte St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubreng walang buhay ang biktima sa loob ng inuupahan nitong kuwarto.

Sinabi ni Ricky Caleas, pinsan ng nasawi na noong nakalipas na linggo ay problemado na ang biktima sa pagkakasuspinde sa kaniyang trabaho at bukod pa sa masamang loob nang iwan ng kinakasama tatlong linggo na ang nakakaraan.

 Idinagdag pa nito na umalis­ siya ng bahay alas-12:00 ng tanghali nang pag-uwi niya ay nakita na nakabigti na ang pinsan sa nylon cord. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

GLENZOR VALLEJO

IDINAGDAG

LEYTE ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PATAY

REY KILMARE

RICKY CALEAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with